118 - Mga Tanda'y Natupad ng Lahat

Mga tanda'y natupad nang lahat
Sinasabing darating si Jesus;
Kami'y nag-aantabay nang maluwat,
Dumating Ka nawa aming Manunubos!

REFRAIN

Lahat ay ating balitaang
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!

Buwan, bituin, pati ng araw,
Nagsasabing Siya'y malapit na,
Mga bansa'y naliligaligan,
Masasamang puso'y pawang nangangamba!

REFRAIN

Lahat ay ating balitaang
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!

Ito'y kagalakang walang hangga,
Sa nagbabalitang matiyaga,
Pawang saksing napakalapit na
Ang pamimitak ng araw na dakila!

REFRAIN

Lahat ay ating balitaang
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!

Kaya't tayo'y masiglang gumawa,
Di na tatagal darating Siya,
Ang nagsisi ay hindi sasalang
Papasok sa pinto't magpupuri t'wina

REFRAIN

Lahat ay ating balitaang
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!

0:00 0:00